Sa isang maliit na karinderia madalas magtungo si Raphael sa tuwing oras ng pananghalian niya.Sa halip kasi na sumama sa mga kaklase niya sa mga mamahaling kainan,minsan ay gusto niya ang mapag-isa.
Nasa third year college na si Raphael..at halos tatlong taon na din siyang namumuhay ng mag-isa.
Ang pamilya niya ay nasa probinsya.Tawagan ang tanging ugnayan nila.
Matalino si Raphael at marami ang nakakakilala sa kanya.Pero namumukod tangi siyang mapag-isa kahit pa may mga kaibigan siya o kabarkada.
Minsan sa pag-iisa niya isang tanghali.Hindi sinasadyang madapuan niya ng tingin ang babaeng kaharap niya sa kalapit na mesa sa karinderia na kinakainan niya lagi.Nginitian siya nito at binati na parang napaka-gaan ng kanyang kalooban.
Naging magkaibigan si Raphael at Kate.Silang dalawa ang madalas magkasam.Nasa third year college na din si Kate...at tulad niya ay taga-probinsya din ito.
Hindi nila namalayang nahuhulog na ang loob nila sa isa't-isa.Si Kate nga ang pangarap na naging katuparan para kay Raphael..Ito ang sandalan lagi sa panahon ng kanyang kalingkutan,sa panahong nais niyang magtago sa mundo pagkat hindi siya maintindihan.Ito ang katuwang niya sa mga panahong hirap na hirap siya sa pagpasan ng mga problema.
Si Kate ang tanging laging handa na makinig sa kanya.Malaki ang naging tulong ni Kate sa pagbabago ni Raphael.Naging malapit siya sa mga kaibigan ni Kate at natutunan nitong makisalamuha sa ibang tao.
Naging magkarelasyon sina Kate at Raphael makalipas ang ilang buwan.Naging mas malakas nilang sandata ang isa't-isa.
''Pag-ibig ang nagligtas sa taong tinutukso ng kawalan..ng kasiraan.Pag-ibig sa gitna ng kawalang silbi ng tinatamasang pagpupunyagi o ng kadakilaan.Sa mga panahong walang makaunawa sa sarili,sa kaguluhan ng mundo.Sa mga oras na kay dilim ng kalangitan at ang buong mundong ginagalawan.''
Ngunit isang masakit na trahedya ang naganap.Naaksidente si Kate ng mismong araw ng una silang magkita ni Raphael.
Nag-agaw buhay si Kate sa Ospital habang hinihintay ito ni Raphael sa karinderia,dala ang singsing ng pagtatapat niya.
Agad na tinungo ni Raphael ang Ospital matapos matanggap ang tawag tungkol sa nangyari.
Ang taong pinakamalambing sa kanyang mga alaala,ang naggabay sa kanya sa labas ng mundo,ang nagturo sa kanya upang ito ay harapin at labanan...ay tuluyan na siyang iniwan.
''Paano ko pa haharapin ang mundong hindi makaunawa sa akin?Paano ako tatakas?Gayong ang nag-iisa kong pangarap ay naglaho na.Siya na ang lahat sa akin na mahigit pa sa maiaaalay sa akin ng katanyagan.Paano ko ngayon durugtungan ang ugat sa aking puso?Gayong hindi ako handang mag-isa at siya lamang ang nais kong makasama.''
Ipinagluksa ni Raphael ang bawat araw.Ngunit hindi niya akalaing ang pangyayaring ito ang magtuturo sa kanya upang kilalanin ang sarili.Nakilala niya ang nag-iisang karamay na hindi siya iniwan sa anumang yugto ng kanyang buhay....
No comments:
Post a Comment