.

Email me

PUSO+DESISYON+ISIP

Ang Puso natin ang pinaka-mahalagang bahagi ng ating katawan.Sapagkat ito ang nagsusuplay ng sapat na hangin patungo sa iba't-ibang bahagi ng ating katawan na siyang esensyal naman upang tayo ay huminga at mabuhay.


Isang napakahalagang bahagi nga ng puso ang ginagampanan nito sa ating buhay.Sapagkat ito ang nagtataglay ng ating emosyon sa buhay.At madalas sinasabing puso ang nagdadala ng ating pagkatao.Sa anumang klase ng pag-uugali mayroon tayo,sa pagdedesisyon at pakikitungo natin sa ating kapwa.


Madalas sabihing ito ay bulag sa pag-ibig.Sapagkat hindi nakikita ng nagmamahal ang anumang pisikal na katangian mayroon ang minamahal niya subalit sa kung anong klaseng puso mayroon siya.
Mas nananaig ang kabutihan ng puso kaysa sa kaanyuan at anumang materyal na karangyaan.


Iba't-iba ang paglalarawan natin sa puso.Sasabihing matigas ang puso mo kapag hindi ka marunong magpatawad o hindi kaya'y manhid ka,kapag hindi ka marunong magmahal at kapag malupit ka sa iyong kapwa.


Sa tuwing may sama tayo ng loob sa isang tao.Halos napopoot tayo sa kanya.Naghahabol tayo ng hininga sa tuwing makakasalubong natin ang taong kasamaan natin ng loob.Puso ang siyang madalas magdikta sa atin ng mga salita na hindi dapat natin nasabi.Ang masama pa nito,maging sa kilos ay dinadala tayo ng dikta ng puso.


Sasabihin namang parang mamon ang iyong puso kapag napaka-bait mo sa iyong kapwa.
Puso nga ang pinaka-makapangyarihang nagdidikta sa atin at nag-gagabay kung pano natin pakikitunguhan ang ating kapwa.Sa kung paano tayo magdedesisyon,sa kung ano ang ating sasabihin at ikikilos.


Napakahiwaga ng puso.Sapagkat nasasaktan ito ng hindi nagkakasugat o nagkakapasa ng literal.Kaya nitong makapag-ipon ng napakaraming hinanakit sa loob ng napaka-tagal na panahon.


Hindi rin permanente ang gamot sa puso kapag ito ay nasaktan at natutong magpatawad.Minsan pa nga ay halos walang lunas.At kung mayroon mang madalas na kumontra sa puso natin,ito ay ang utak;ang ating isip.


Ang utak na siyang nagtataglay ng ating kamuwangan,ng ating talino at ng ating konsensya ay madalas na makalaban ng ating puso.


Isang malaking deskusyon ng puso at isip ay ang pagdedesisyon ng tao.Madalas tayong magdalawang isip sa punto ng buhay na ito.Dito madalas magkaroon ng kalituhan,kaya sa huli ay malimit tayong magkaroon ng pagsisisi.Sa kadahilanang hindi natin nabatid kung ano dapat na pinairal sa ginawang desisyon.


Ngunit paano nga ba kokontrolin ang ating puso at isip sa pagdedesisyon?Paano natin haharapin ang isang hamon ng hindi tayo nagkakamali,ng hindi tayo nagsisisi sa huli?Kailan natin mas paiiralin ang pintig ng ating mga puso at kailan naman natin paiiralin ang pagtakbo ng ating utak?


Ang sagot,kailangang parati.Kailangan nating parating pairalin ang ating puso at isip sa bawat pagdedesisyon.Hindi importante kung nagkamali ka sa huli at ito'y pinagsisihan mo.Sapagkat ang pagkakamali ay natural sa atin.At ang isang malaking punto doon ay kung paano natin maitutuwid ang mga pagkakamali.Hindi makatuwiran na pairalin natin ang puso kaysa isip o ang isip kaysa sa ating puso.Sa bawat pagdedesisyon ay magkatuwang ang dalawang bagay na ito.Walang duda kung bakit natin ito tinataglay na bahagi ng katawan ko at katawan mo...

No comments:

Post a Comment