.

Email me

BIRHEN!BIRHEN!BAKIT KA NASA LUPA?

Go and Multiply!..Humayo kayo at magpakarami,sabi ng ating Panginoon.

Kelan at dapat bang ikahiya ang hindi na pagiging Virgin sa lupa ngayon kapag wala ka pang asawa?

Bakit naman nakakahiya?Sa panahon ngayon na malayung-malayo na kung susuriin sa mentalidad noon.Hindi nakakahiyang aminin na ang isang babae o lalaki ay hindi na birhen sa lupa.

Hindi ko sinusuportahan ang ideya ng pre-marital sex.Malinaw yun,ngunit ang mas pinagtutuunan ko ng pansin ay ang pagrespeto sa desisyon ng bawat isang tao na nakagawa nito.Sa kultura unang-una,oo bawal dahil hindi ka pwedeng sumiping sa kahit sinuman hanggat kayo'y hindi nababasbasan ng bendisyon ng Pari sa Matrimonyo ng Kasal.Bueno,ganun ang batas.Sagrado,banal at isang utos na dapat sundin at masusing itanim sa utak ninuman.

Ngunit maari ba nating itali na lamang ang lahat sa kultura at batas?Sa mga kabanalan ng naaapektuhan ang ating pagkatao sa kabuuan?Naapektuhan ang ating ugali sa pakikipag-kapwa o sa pangkalahatan ng ating pagiging anak ng Diyos.Hindi di ba?

Sabihin na natin ang issue ng one night stand.Kinabukasan ba ako'y isang kriminal na o guilty na sa lahat ng kasalanang nasasaad sa Bibliya alinsunod sa lahat ng Utos na nasasaad dito.Ako ba'y salot na sa lipunan o di kaya'y maituturing ng sagabal sa pag-unlad ng aking bayan?Hindi di ba?

Iisipin kong lahat ng babae ay hindi na birhen,una na ako kapag sumapit ang edad niyang 18.KAPAG MINULAT MO ANG IYONG ISIPAN SA IDEYA NG PAGIGING MALAYA,HINDI KA NA BIRHEN SA LUPA.Mulat ka sa kaganapan na ang tao una sa lahat ay may pangkatawang pangangailangan.May natural na batas na nag-uudyok at nagsasabing ito ang batas na alam ko kaya ito ang susundin ko.O maaring hindi mo man naisip,dahil minsan sa huli;pero mababatid mo na..ITO ANG DIKTA NG AKING SARILI.

Marami akong mga kaibigang hiyang-hiya ng magkuwentuhan kami ng aming mga unang karanasan.Pero walang pagababago,bago o matapos ang aming mga pagatatapat.Nakakatuwang isipin na natural sa tao ang ilihim sa sarili ang ganitong mga karanasan,pagkatapos sa mga usapang Birhen ay nagpapalinisan.Nagulat ako ng aking malaman ang mga kuwento nila,nasabi ko sa sarili ko na...nahihiya ang tao hindi dahil sa ideya na hindi ka na birhen,nahihiya ang tao dahil sa alam pa rin nating hindi tama yun at natatakot tayong parusahan.Parusahan ng panghuhusga at pang-aalipusta.Natatakot ang taong kutyaing,malandi,pakawala,babaero,malibog,manyak o adik kaya.Hindi ba tama?

Ngayon,kung matanto mo na nangyari na ang lahat.Walang masama na tanggapin mo na sa sarili mong hindi ka na birhen di ba?Unang-una hindi nakuha ng kasiping mo kung anumang klaseng tao ka.Maliban na lamang kung magpapatalo ka sa anumang bunga ng ginawa mo.Unang halimbawa na eh,naging adik ka na,na parang sugal kung hindi kani-kanino eh mayat-maya.Malalang problema yan na nakakasama di lamang sa pagtingin ng lipunan sa birhenidad ng isang tao lalo na higit sa pagkatao mo sa kabuuan.Ikalawang halimbawa eh,nabuntis ka sa nagawang karanasan at kinitil mo ang buhay na naging bunga.Mas malala itong problema di lamang sa batas ng Tao lalo mahigit sa batas ng ating Diyos.Nang tanggapin mong hindi ka na birhen sana'y isinama mo na ding may nagbunga mula dito,ginusto mo man o hindi,wala ka ng magagawa kundi tanggapin mo itong biyaya.Parang parusa man ngunit isipin mong buhay ang bunga at hindi anumang prutas na maaari mong pigtasin sa sanga.

Sinabi ko sa mga kaibigan kong hindi ko sila hinuhusgahan,ngunit bilang payo sa isat-isa ay mabuti paring mag-ingat at umani matapos ang Kasal mula sa taong totoo mong minamahal.Ngunit muli, tanggapin nating mga tao tayong may dikta ng natural na tawag ng laman.Walang sinuman ang walang ganyan.Pano pa at ikay birheng nasa lupa,malamang hinihintay ka na ng yung trono sa langit upang benditahan kaming mga nagkasala sa lupa.

No comments:

Post a Comment