.

Email me

SAANG DAKO AKO NAROON

Masakit tanggapin ang isang bagay kapag ito'y nawala.Lolo na kapag alam mong pag-aari mo na.

Katulad ng halos karamihan ng mga kuwento sa tv.Napakasakit kapag bigla ka na lamang iniwan ng taong minahal mo ng sobra.Yung mga tipong halos binigay mo na lahat.Alam na nating lahat yan.Isang dahilan halimabawa ay dahil pinagpalit ka niya sa iba o dumating sa punto na hindi mo na talaga maiiwasan ang katotohonang mabunyag na meron din pala siyang iba habang buong akala mo ay ikaw lamang.Nakakasawa di ba?Mulat na tayo pero ang nakakatawa,kahit pa napanood na natin kung pano ka dapat na lumimot,ay kay hirap pa rin.Pagkat totoong hindi madaling labanan ang sarili.Lalo na ang sariling puso.Nakaka-umay man pero hindi sa isang iglap pupuwedeng gamutin ang sugat,literal na hindi talaga.Kahit operahan ka,kailangan mo ng panahon upang makalimot,upang umusad at tanggapin ang katotohanan.

Magiging maayos ba ang lahat kung iiyak ka?Hindi siguro sa isang banda,ngunit malaking bagay ang ilabas ang galit o anumang sama ng loob sa pagkabigo ng puso.Minsan maganda ang mag-isa matapos mo itong maranasan.Ang mag-isip at kausapin ang sarili na ang buhay mo ay sadyang puno ng pagsubok.Gaya ng sabi sa kanta ni Leona Lewis na Naked,minsan iisipin mong parang nakahubad ka kapag wala siya at hindi mo kaya ang lumabas at harapin ang mundo ng wala siya sa tabi.Subalit isipin mong ang pagkabigo mo ay isang aral.Isang mahalagang tulong upang baguhin mo ang ilan sa mga bagay.Hindi mahirap magmahal ng tao,ngunit ang mahirap ay ang panatilihing matatag ang pagmamahal sa isang tao.

Simulan mong limutin ang mga bagay na ,magkasama kayo sa nakaraan.Umpisahan mo ito sa mga bagay na makapag-babalik ng mga alaala kapag iyong nakita.Paunti-unti ay gawin mong abala ang iyong sarili at sigurado na sa paglipas ng mga araw ay matutunan mong limutin siya.Nasa iyong sarili ang pagpipiliian.Walang magdidikta o walang maglalahad.Buksan mo lamang ang iyong puso pagkatapos,na may taong mulingg magmamahal sayo at iibign at pahahalagahan ka ng hindi katulad ng nauna.Huwag kang magmadali,tandaan mo na ang lahat ng bagay ay may proseso.Para walang kalituhan,ang ibig kong sabihin ay,hindi nadadaan ang lahat sa madalian.Hindi ko sinasabing nasa haba ng panahon,proseso na halimbawa ay ang pagkahinog ng mga prutas.Kailangang hindi pilit,hindi ito natural na masarap at matamis,di ba?Gaano man kabilis naghinog ang inyong pagmamahalan dapat na isiping nahinog ito ng natural,alam mo yun.Hindi mo pinilit ang sarili mong mahalin siya upang agad na limutin ang sakit ng nakaraan.Minahal mo siya agad dahil sa natural na naramdaman ng yung puso.Dahil nakita at naramdaman mo ding tunay ang pagmamahal niya.Isang malaking katangahan para sakin kung hindi mo maramdaman sa isang tao ang katotohanan ng pag-ibig niya.Sanay tayong palagi na niloloko ang sarili pagdating sa emosyon lalo na kapag sobra ang tuwang nararamdaman natin?Hindi ba totoo?Hindi mo man aminin,pero minsan madalas na nauuna ang resulta ng mga bagay sa utak natin,at sasabihin ko sayo.Malakas magkontrol ng emosyon ng tao ang matinding paniniwala.Kaya nga kapag masaya tayo ay halos bukang bibig natin ang isang bagay,patunay kung gaano kalakas ang epekto ng paniniwala sa pag-iisip natin na siyang walang ibang nagdidikta ng ating emosyon.

Sa huli,lahat ng bagay na nagdulot ng matinding poot,galit o pagkamuhi sayo ay sayo din nakasalalay.Kung iisipin mong lagi ito,malamang na hindi ka lang masiraan ng ulo..ikakasawi mo din ito.Mabuti na ang nagmahal at nasaktan kaysa hindi magmahal.

No comments:

Post a Comment