.

Email me

MAPAGPANGGAP KA BUWAN

Minsan bilog,buong-buo mong tanaw kahit pa sabihing malayo.Ngunit sa mga gabing sumunod ay nangangahalahating parang nakatawa ng palihim..hindi mo alam kung ano ang emosyong nasa kabilang ibayo ng mukha niya.

Mapagpanggap ang buwan minsan na gaya ng tao.Kawalan ng respeto sa sarili ang ganito.Isang sakit,isang napakalalang sakit.Mabuti na ang tahimik kaysa sa nagpupumilit.Nangigiting akala mo ay natutuwa sayo ngunit sa loob ay natatawa ng malakas sa mga sinasabi mo.

Madalas kung maisip na pano kung nagkaroon tayo ng kakayahan na basahin ang isip ng bawat isa.Una siguro,hindi maganda yun,pero kung natural na may kakayahan tayo na tulad nito.Marami ang galit sa akin.At marami din akong kaaway.Walang lihim,walang sikreto.

Sa katotohanan mahirap magpakatao at magpakatotoo kung unang-una ay hindi mo tanggap kung ano ka.Sa aspeto ng pag-pakikisama,kung alam mong matakaw ka halimbawa,sasabihin mong busog ka na sa kainan kahit na ang totoo'y takam na takam ka pa ng may mag-alok sayo ng bagong putahe sa handaan.Sinabi sakin ng kaibigan ko na Virgin pa siya,pero ng mapilit ay nagkuwento rin.Sinabi naman ng isa na hindi siya bakla,pero kalaunan ay umamin din.Ang isa naman pinilit pang nagyabang ng larawan ng karelasyon niya,yun pala magkaibigan lang sila.

Minsan nagpanggap akong natutuwa sa mga jokes ng isa kong kaibigan,ngunit sa totoo ay gusto ko siyang tirisin sapagkat halos lahat ng jokes niya ay hindi talaga nakakatawa.Nakakapikon pero hanggat kaya nating magtimpi ay bakit hindi?

''Mapagpanggap ka buwan,kay liwanag mo kung ikay matatanglawan sa kalangitan at ang buong kalupaan ay nasa kadiliman.Nagpapapansin pa at akoy sinusundan.Kapag akin naman lalapitan,lalandiin na parang kulang na lang ay yayain mo sa isang bakanteng bakuran.Ikaw naman itong parang ewan na nawawala at mahirap maaninag na para bang nahihiya sa gitna ng arawan,nagpapanggap na manhid at walang nararamdaman.''

No comments:

Post a Comment