.

Email me

MARAHIL AY BUKAS

Itinanggi kong muli na mahal ko siya.Kataksilan sa sarili at para sa kanya ang ginagawa ko,pero bakit kay hirap ang mamili sa pagitan ng sasabihan ng iba laban sa totoo mong nadarama.

Pano nga ba nagsimulang magalit ang karamihan sa taong ito?Una,hindi ko naisip na magiging ganito ang bunga ng lahat.Ganunpaman nangyari na ang lahat at sa palagay ko'y ako din ang nagdulot ng bunga ngayon.

Ginusto ko siyang maging kaibigan una pa lamang.Kaya ninais ko siyang ipakilala sa aking mga kaibigan at inimbita sa isang handaan.Pero lumabas na simula ng trahedya ang lahat sa halip na maging umpisa ng isang magandang samahan naming lahat.

Sa kaliagitnaan ng kasiyahan ay nagpaalan siya,iniwan kaming nagkakagulo.Pero ang totoo talagang plano ay paglapitin sila ng isa kong kaibigan na may gusto sa kanya.Sa madaling salita ay hindi natuloy ang lahat ng plano dahil hindi na siya muling bumalik sa kasiyahan na gaya ng kanyang sinabi at pinangako na ikina-inis ng lahat ng aking mga kaibigan sa kanya...at dahil hindi nila alam ang lihim kong nararamdaman ay wala na din akong nagawa kung hindi ang magpahayag ng parehong himutok ng meron sila.

Lumipas ang panahon at iniwasan namin siya.Nakapagbitaw din ako ng masasamang salita na gaya ng aking mga kaibigan.Habang bakas naman sa kanya ang kawalang laban at panlulumo.

Ngunit unti-unting nabago ang lahat ng magkaroon ako ng pagkakataon na maka-usap siya.Nasundan ng mga araw at sa paglipas ng mga yun ay unti-unti ko pa siyang nakilala ng lihim at hindi namamalayan ng aking mga kaibigan.Pero hindi rin yin nagtagal at nagduda sila,ang pagiging malapit ko sa kanya ay ipinakita kong isang paraan upang tuluyan siyang sirain sa harap ng nakararami.Pinaniwalaan naman ako ng aking mga kaibigan,subalit ang panloloko ko pala sa aking sarili ay mas nakasama.Unti-unti kong nakita ang mga bagay na mamahalin ko sa kanya sa halip na buuin ko ang mga bagay na magsisira sa kanya.Naging baligtad ang lahat para sakin.

Araw-araw sa halip na kainisan ko siya ay ako pa mismo ang nagbibigay ng mga bagay upang magustuhan siya ng mga tao,upang baguhin niya ang mga bagay na alam kong hindi maayos para sa marami.Nakita ko kung gaano ang saya niya pag kasama ako,at kahit hindi ko aminin at madalas na magpakita ako ng pagka-inis sa kanya,hindi ko maramdamang kailangan kong layuan siya kahit pa nahihirapan na akong idepensa ang aking sarili sa aking mga kaibigan.

Ngayon,halos manlumo ako kung panong kamuhian siya ng marami kapag naiisip kong ako ang naging punot dulo ng lahat.

No comments:

Post a Comment