Nakakatuwang isipin na sa dami ng problema natin ay nagagawa pa rin nating tumawa.Sadya nga na masayahin ang mga Pilipino.
Unang tingin ko pa lang kay Sol alam kung matindi ang pinagdaraanan niya.Magaan na agad ang loob ko ng mamasdan ko siya.Bawat araw napapansin ko kung gaano niya batiin ang mga kasamahan niya.Parating naka-guhit ang mga ngiti sa mukha niya at may pagka-fashionista itong si Sol.
Pero hindi maitatanggi ang emosyon niya sa likod ng mga ngiti at malakas niyang tawa.Nakikita ko sa kanyang mga mata yun.Hindi ko man siya nakakuwentuhan upang personal itong usisain sa kanya,batin ko na may kalungkutan siyang dinadala at may problema ding pinapasan na katulad natin.
NagKaroon ako ng pagkakataong makausap siya.Sa malapitan ay mas lalo kung nabasa ang ang sinisigaw ng kanyang mga mata.Masaya siyang kasama,Maraming kuwento at punong-puno ng kasiglahan kung tutuusin.Pero hindi rin ako nakatiis at nagkaroon ako ng pagkakataon na tuluyan siyang makilala.
Nalaman ko na mag-isa niyang tinataguyod ang kayang limang taong gulang na anak.At dahil sa tampuhan nila ng kanyang ina ay ilang gabi din siyang hindi nakauwi sa bahay nila.Nagkaroon sila ng tampuhan dahil sa isang malaking hindi pagkakaunawaan tungkol sa isang bagay.
Pinagdudahan si Sol ng kanyang ina na may kinakasamang lalaki.Nag-away sila ng kanyang ina hanggang sa umabot na nga sa pagpapa-alis sa kanya sa tahanang kapiling ng kayang ina.Nakita ko kung gaano niya kamahal ang kanyang anak at kung gaano niya ito nina-nais na muling makapiling.
Hindi man siya umiyak sa harap ko,alam ko naman kung gaano ang pagpipigil niya ng kanyang luha.
Sana ganito tayong lahat.Sa kabila ng matitinding dagok ay nagagawa pa din nating ngumiti.Hindi natin isinusumbat ang galit sa isang bagay o sa isang tao.Bagkos ay pinapahalagahan natin ang mga ito.Pagkat dahil sa mga ito ay nagiging malakas tayo.Nagkakaroon tayo ng lakas upang lumaban.Masuwerte si Sol at taglay niya ang katangiang hindi taglay ng nakararami.
No comments:
Post a Comment