Malalim pa rin ang sisid ng paghinga ko sa tuwing maaalala kita.Matagal na panahon na ang lumipas ngunit tila ba ang taon ay kahapon pa lamang nagdaan.Nananabik pa ring muli sayong kay liwanag na ngiti...sa tuwing magugunita,hindi ko namamalayang tumutulo pala itong aking mga luha.
High scool pa ng tayo'y magkakilala.Nasabi ko tuloy ngayon na naging normal din pala ako,pagkat naramdaman ang pag-ibig na ganito.Natakot,natuwa ng sobra at nangamba...kakaiba sa kanila ang naging takbo nitong ating istorya.
Natakot ako ng una,pagkat oo.Hindi ako nasanay na minamahal ng tao,para sa lahat ay isang mortal na kasalanan ang ibigin kita o ang ibigin mo ako...
Ngiti mo na laging inaalala ko ay tila amoy na nakadikit sa damit ko.Nang dahil sayo ay natuto akong magsulat ng mga tulang hindi sukat malilikha ng tulad ko.Naipinta pa kita na parang kahibangan sa pagsuyo.Nakaramdam ako ng lubos na kagalakan sa puso mula sa pagmamahal na pinakita mo.
Sa uwian natin mula sa klase ay hinihintay mo ako.Mag-uusap tayo habang nagmamasid ang mga nagdaraang mga tao.Hindi ko ikinahiya ito,pagkat ang tanging nararamdaman ko ay ang saya sa tabi mo.Ang mga ngiti mo na hindi ko maiwasann titigan.Oo,hindi tayo nakaiwas sa mga panghuhusga.Pero nanatili ka,naging mas malalim pa nga ang ating pagsasama.
Nakuwento mo sakin ang lahat ng iyong mga pangarap,at iyong mga plano.Muli ay nakita kitang tuwang-tuwa at nakangiti.Ngunit ang lahat ay naging isang malamlam ng mga alaala na lamang ngayon..
Matapos ang matagal na panahon ng ating pagsasama,ang pagtatapos at ang lahat ng kaganapan makalipas ang lahat ng ating naging usapan...tila nalumang pahina ang lahat.Tila aklat na nakalimutan sa isang sulok ng aklatan,napabayaan,naluma at kumupas.
Kinailangan ko noong umalis at mag-aral sa ibang lugar.Nagkahiwalay tayo,masakit dahil pati ang ating mga puso.Marahil ay ganito ang katotohanan ng pagsuyo.Gunita na lamang ay ang mga sulat ng pangako,mga tula ng pagsamo....
Marahil ay kailangang kung pigilin itong pagluha,gayong ikay namamasdang nakangiti na gaya ng lagi kong hiling na makita.Nakangiti ngayon sa bago niyang kasama....

No comments:
Post a Comment