.

Email me

AAMININ KO NA NGAYON


Sino ang hindi makakalimot ng buhay sa College..Ang mga panahon na kay sarap balikan.Bakit ganun noh,kung kaylan na lumipas parang isang malutong na chicharong kay sarap sariwain ng mga pangyayari masama o maganda mang experience.Para bang nakakatanga ang ganitong pakiramdam,pero para sakin masaya ang pagbabalik-tanaw.Lalo pa kung marami kayo kasama ng mga kaibigan mo na nagku-kuwentuhan.Ang simpleng alaala ay nagiging makulay na myural na minsan nagbubunyag pa nga ng mga kuwentong ngayon lang natin maririnig o kaya matutuklasan dahil sa ibang experience din na meron sila sa parehing pagkakataon na inyung pinag-uusapan.Hay,para tuloy nakaka-panghinayang at nakaka-tawang tumatanda nga talaga ang tao dahil nararanasan mo ang napakadaming bagay sa napakahabang panahon na lumilipas.Nagakakagulo ang iyung isipan,napakadami kasi ng iyung mga alaala sa nakaraan.Merong nakakatawa,may sobrang nakakalungkot o nakakaiyak.May mga pagkakataon na napapa-simangot ka dahil may mga alaalang sariwa pa din na para bang kahapon lang naganap.Nasaktan ka man o sobrang nagalak,lahat ng iyun masarap pa ding isipin kasi naranasan mo ang ganoong mga bagay.Sabi nga nila,live life to the fullest.Habang bata pa ay subukan mo lahat,puwede rin basta marunong ka lang na magdesisyon kung ano ang itutuloy mo at kung ano ang hindi.


Natuto akong manigarilyo last two years ago,and still naninigarilyo pa din ako.Pero sinusubukan ko pa ding hindi minsan o kung hindi man talaga kaya ay binabalanse ko o kaya ay hinay-hinay sa paninigarilyo.

Higit limang beses pa lang akong nakakasakay sa Space Shuttle.At nitong huli ay limang beses namin itong inulit-ulit ng mga kaibigan ko.Hindi pala siya nakakatakot at sa totoo lang ang sarap ng pakiramdam na naisisigaw mo ang lahat habang nagpapa-ikot-ikot kayo.Tapos pagababa mo ng Space Shuttle,ubus lahat ng lakas mo,kaya aantukin ka ng bongga.Ikaw ba ano ang naramdaman mo matapos sumakay ng space shuttle?

Naranasan ko ng mapahiya ng sobra at ang pinaka-nakakahiya siguro ay ng pabiro kung kinalabit ang taong inaakala kung kabigan ko pero hindi pala.Nagalit pa sakin ang boyfriend niya ng sinumbong ang ginawa ko,at kinompronta ako ng boyfriend habang nasa canteen kami.Awkward talaga ang moment na yun.

Ang pinaka-nakakakilig moment naman ay ng biglang hinawakan ng crush ko ang kamay ko ng nasa harap kami ng parents niya kasi pinagdududahang bading siya ng high school.Doon niya sakin inamin na sobrang nahihiya lang pala siya sakin kaya hindi rin siya pomoporma sa ibang babae dahil ako pala ang gusto niya.Ng araw ding yin ay naging kami,at pinakilala niya ako agad sa parents niya.

Pinaka-nakakatakot na pangyayari ay noong sampung taong gulang ako at makita kong nakabitin sa kisame ang kuya ko.

Pinaka-nakakalungkot naman ay ang makitang humahagulgul ang Mama ko dahil sa pagsisisi sa nangyari sa kuya ko.(Sa ibang araw ay ikukuwento ko ang malungkot na kuwentong ito.)

Pinaka-nakakatawang karanasan ko naman ay ng makipasuntukan ako ng akoy anim na taon pa lang sa sigang batang lalaki samin.Ewan ko ba,sa tapang ko hindi wala ata akong paki-alam kahit lalaki pala ang kasuntukan ko at babae pala ako.Tawa ng tawa ang mga kapatid ko ng mga sandaling yun habang inaawat ako kasi umiiyak yung batang lalaking kasuntukan ko.

Nakuh,kung sana nai-piprint ang mga alalaa o kaya ay kayng ma-burn upang maging dvd copy,ang saya siguro.Puwede ng magbenta ang lahat,at malulugi na ang mga pelikula kasi sino ba naman ang hindi magiging intersado sa buhay ng ibanag tao,lao pa kung totoong kuwento ito di ba?

No comments:

Post a Comment