Nakuh sa tambak ng labahan ko,nagaalala ako hindi dahil sa wala na akong maisusuot kundi dahil ang tagal na ng mga itong nakatambak.Sa tantya ko ko eh higit dalawang buwan na.Nagaalala ako kasi baka magkapalit-palit na ng mga kulay ang damit ko.Oo,tamad na ako at inaamin ko yun.Kung may dapat awardan ng katamaran siguro hakot award ako.Siguro yun din ang epekto ng pagiging bunso sa pamilya,halos lahat ng mabibigat na gawain sa bahay eh hindi ko naranasan,na iutos sa akin ng mga parents ko.Kaya pag-wala sila mama lagot ako sa mga kapatid ko parati dahil hindi ako mautus-utusang bumili kahit kendi sa tindahan.O kung mapilit man kailangan pa ng panuhol.Sorry po,alam kung hindi tama yun,kaya nga nakokonsensya ako sa mga pagkakataong yun noong mga panahong sana naging daan din para mas maging malapit ako sa mga kapatid ko.Ngunit hindi,sadya siguro na sutil at sakim ako kahit ngayon.
Ngayon habang nakahiga at nandiritong tinatanaw mula sa higaan ang tambak ng labada at ang oras na lumilipas para sa hinihintay na labandera,parang hindi ako mapakaling higad na pabuntong-hininga kung humagod ng tiyan mayat-maya.Hay,alas syete y medya na,sana nakapag-uumpisa na ang labandera.Hay ang hirap talaga sa tao ng may sobrang inaalala,pero tingin ko di ako masyadong nag-aalala kasi alam ko nakaka-apekto ang pag-aalala sa gana mo sa pagkain.Habang kagabi eh naka-ubos po ako ng apat na kanin ulam ang barbecue na manok,tapos nag leche flan at halo-halo.Hindi masyadong mabigat sa tiyan pero pampataba na naman ito para kay Tiya Nena.Nakuh Blanka!!
Ano nga ba't hintayin ko na lang na magising ang kasama ko sa kuwartong si Chingga para magising upang sunduin ang labandera na kasama niya sa dating lugar na inuupahan niya.Ang sakit sa bangs,eh anong oras pa kaya siya magigising kung ilang oras pa lang bago ako nagigising eh naalala ko pang nakatutuk siya sa harap ng laptop,baka nga kakahiga niya rin lang.Nakaka-stress sa face.
No comments:
Post a Comment