.

Email me

SUNOG NA AGOHO ANG ITAWAG MO SA AKIN


Nakakainis ang mga taong hindi marunong magsa-ulo ng yung pangalan.Isang malaking paglapastangan sa pagkatao ang ganitong ugali ng isang tao.May mga tao kasing ugali ang tawagin ka lagi sa apelyido mo,yung tipong alam mong hirap siyang banggitin ang pangalan mo.Mr.ganito o Ms.ganyan,nakakairita,lalo pa kung hindi naman kayo lalo pa sa isang pormal na kumunidad,o lugar o opisina naroroon.Maaari siguro sa propesyunal na aspeto,pwede ko itong palampasin.Ngunit kapag sa harap ng umpukan ng mga magkakaibigan ay hindi niya mabanggit ang iyung pangalan ay ibang usapan na ito.Ganito si Irene Rabadap.Babaeng maitim na Senior Team Manager sa isang opisana ng Call center sa Makati.Matagal na siyang nagtatrabaho sa kompanyang kabilang siya ngayon.Sabihin na nating higit limang taon,at sa industriyang ito,karapat-dapat ka ng parangalan.

Una pa lang hindi na mabanggit ni Irene Rabadap ang pangalan ni Jenny.Parating Ms.Del Valle ang tawag nito dito.Mabait naman si Irene Rabadap bukod sa lakas makalalaking feature ng mukha nito at hindi gaaong kabanayad na mga balat mula ulo hanggang sa mga pisngi ng kamay at paa niya.Bread winner daw kasi ito,kaya walang time magpaganda.Napagdudahan nga itong bading ni Jenny noong una.Natatawa siya lagi kapag naalala niya.Ngunit nakukunot naman ang noo niya sa tuwing tatawagin siya ni Irene Rabadap.Para itong palakang hirap kumokak kapag tatawagin ang pangalan niya.

Naisip ni Jenny,pano kung sa bawat tawag nito sa kanya ay sasagutin niya din ito ng tawag ng buong pangalan ni Irene Rabadap.Sabi kasi ng propesor niya ng college ng pinag-submit sila ng personal info nila sa isang index card bilang pagpapakilala.Kaya daw nito tinatanong kung anong gustong itawag sa kanila ng propesor nila dahil iyun ay pangalan mo.Mahalaga para sa tao na tanungin mo siya kung ano man ang nais mong iitawag mo sa kanya dahil unang-una iyun ay isang paggalang sa tao.Tama nga naman di ba?Pangalang ko ito,at ito ang palayaw ko kaya tawagin mo akong ganito dahil ito ang gusto ko at kung hindi mo kayang banggitin ang pangalan ko puwes humanap ka ng taong may gustong tawagin ng gaya ng pagtawag mo.Ulol!!!(im sorry).


Sa mga pagkakataong ito,nakapagsesentyimento tuloy si Jenny sa ugali ni Irene Rabadap.Nakikita tuloy nito ang mga katangahan ng Team Manager nilang tinatawag nilang Sunog na Agoho ng kanilang mga kaibigan.Napuna tuloy niya ang kabobohan ng Sunog na Agoho pagdating sa pagpa-plot ng mga swap schedules,ng mga day off at pag-pa-plot ng mga oras.May iba nga na nakumpromiso pa ang opurtunidad na ma-promote dahil sa maling dukomentong napasa ng itim na Agoho para sa isa sa mga agent na nag-aaply maging Team Leader.Ngunit bait-baitan ang Sunog na Agoho.Mistulang maamong pusa naman ang agent dahil ginagalang niya din ang Sunog na Agoho,kasi nga bread winner daw ito.Nakuh!Sana nare-realize niya din yun,na may mga taong may pakialam sa salitang respeto na gaya ng pag-respeto sa pagtawag sa isang tao gamit ang unang pangalan o ang palayaw na komportable ito.

No comments:

Post a Comment