.

Email me

TSISMIS


Nakuh sana hindi ko halata ng gawa-gawa mo lang ang kuwentong yun.At sana nga nagkakamali lang ako sa inaakala ko sa ibabaw ng malakas na kutob na nararamdaman ko.Kailanga nga ba nagsisimulang lumaki ang tsismis na gustong-gusto ng lahat.Ang usapin,ang eskandalo,ang kagagauhan ng ibang tao o anumang bagay na puwedeng kasiraan ng iba ay masarap pag-usapan ng mga taong insecure sa buhay at walang kapanatagan sa mga taong naka-paligid sa kanila.


Ilang buwan na ang lumipas at matagal-tagal na din kung babalikan ko ang mga pangyayari na punot dulo ng lahat ng hindi namin pagkilibuan ni Kara.Pero hindi talaga yun ang totoong dahilan o sabihin na nating isa yun sa mga mitsa ng digmaang tahimik ngayon sa pagitan naming dalawa.

Minsang may kumalat na tsimis sa opisina.Tsismis na nakaka-irita sa lahat,mapanira at nakaka-intriga.Ano ba naman,eh  kaya nga tsimis ang tawag dito.Nagkaroon ngayon ng usap-usapan na si kara ang nagkakalat ng mga tsismis na ito,kaya bilang matalik na kaibigan ay kinausap ko siya tungkul dun.Ngunit naniwala naman ako ng sabihin niyang hindi siya ang may pakana ng tsismis sa opisina kung hindi ay ibang tao.Ngunit kinabukasan ay may panibagong tsismis ang kumalat,nagulat ako pagkat pinag-uusapan ng lahat na si Kara nga daw talaga ang salarin ng mga paninirang ito sa mga ka-opisina namin.Na-alarma ako dahil alam kung ako lang ang pinagsabihan niya ng mga bagay na napag-usapan namin kahapon ngunit pano ngayong nakatitig ang mga mata ng lahat ngayon sa kanya.Sa bandang huli ng usapan ay lumalabas na ang isa naming ka-opisina ang pinagmulan ng balitang nagkukumpirama sa master mind ng tsismis.Oo,naging umpisa ito ng lamat sa pagkakaibigan namin.Ngunit wala akong pakialam kung iniisp man niya ngayong ako ang naglalat ng balitang sinabi niya sakin pagkat malinis ang konsensya ko.Ang akin ngayon,sa mga lumalabas na usap-usapan kung hindi talaga siya ang salarin,bilang kaibigan ay aminin mo sakin ang lahat dahil handa akong umunawa at kung maari ay pagtatakpan ko pa siya upang maisalba lamang ang aming pagkakaibigan.

No comments:

Post a Comment