.

Email me

MGA BUGKUS NA SANDALI


Sana naroon ang iyung puso kung saan kita makikita at mamahalin na gaya ng tayo lang ang magmamahalan sa mundo.
Isasantabi ko ba itong mga pangarap kung ang pinapangarap kung nakahihigit sa lahat ay ikaw.
Nais kung magpasalamat sa gabi-gabi mong harana na maparoot maparito ay laging parang alingawngaw na naririnig ko ang iyung musika.
Hahamunin ko ang sariling kaya kung mgamahal ng wala ang tulak ng materyal na bagay o maging ang suhol ng yaman o ng pagkakakilanlan sa mundo.
Mahalaga sa akin ang langit na nagmamasid sa tunay na guhit ng ating pagmamahalan,sa totoong nararamdaman ng ating mga puso sa kaibuturan.
Ito man ay hindi nasusulat sa libro ng tadhanag naisulat nila,nais kung ipakita na ang mga palad natin ay ang tunay na mahalaga.
Sa isang libong isang milya mang distansiya na paraang paglalayo nila sa isat-isa ay hindi ko diringging itoy kanilang pag-kontra.
Tatandaan ko ang sabi mong ''mahal kita'' at kung kailangang hintayin ka ng ilang dekada ay magpapaka-baliw ako hanggang muli tayong magkita.
Sampu ng aking mga daliri ay bibilangin kung higit sa mga daliri lamang ang hindi kayang hindi bilangin nitong paghihintay.
Ipagsisigawan ko sa langit na ikaw ang aking mahal at kailanmay walang makapapantay makakailala man ako ng iba o magpadala man sila ng sankaterbang pamalit sayo sinta.
Hindi,hindi talaga kailanman magbabago ang tinitibok ng pusong nagmamahal sayo ng sobra.

No comments:

Post a Comment