Hindi ko magawang makatulog matapos ang saglit na pakikipag-chat sayo..Oo,nahibang ako pagkat ang maliit na sandali na tulad nun ay parang kasing laki ng isang bagay na kay tagal ko ng inasan na maranasan sa buhay,pangarap ba ang tamang tawag dun?
Kahibangan mo nga Blanka,alam mo kung gaano kita hinahangaan,marahil hindi lamang sayong kabutihan bilang isang lalaki kundi sa ugali mong palaging parang kay aliwalas kahit na tahimik ka lang.Nakakatuwa talaga na ooat nakakahibang.
Ang unan ko ay parang naging kasing lambot ng mga ulap sa bawat maririnig ko ang tunog ng dagting ng chat mo,nairita siguro sakinang kaibigan ko dahil kita niya kung gaano ako kinilig sa tuwing sasagutin mo ang bawat tanong ko.Nakakahibang nga ang antok ngunit mas nakakahibang ang sagot mo sa mga tanong ko.
''bakit ka naman ako maaasar?''
'Eh kasi madalas ako mang-asar at mahilig talaga ako mang-asar eh baka mamaya eh napipikon ka na sakin hindi mo lang sinasabi?''
''Tingin mo kaya sa office pa lang hindi kita sisistahin kung naaasar ako sayo?''
''wala lang,nahihiya ksai ako.''
''nahihiya saan?''
''sa lahat ng bagay,sa mga tao.''
Nakuh,eto ang mga pagkakataon na akala mo alam na alam mo na ang takbo ng utak ng isang tao pagdating sa mga isasagot sayo,ngunit laging nakakakahibang ang lahat ng bagay pagdating sa mga sandali na wala ka talagang anumang clue.
''Pininpilit ko mang itago,ngunit alam kung halatang halata naman ang pagkahumaling ko sayo,nakakahibang man na alam mo,mas nakakahibang kung galing pa sa kuwento ng mga taong pinagkukuwentuhan ko,na hindi ko akalaing ikukuwento sayo.'
Hay nakuh,wala namang ka so sakin kung malaman mo,ang mas nakaka-asar eh hindi ko alam kung ano ang iniisip mo ng mga oras na yun habang magkausap tayo at para akong sira na pilit tinutuwid ang usapan kahit halatang natitisod na ang dating ng mga salita ko.Hindi ba nakakahiya yun?
Nahihibang ang aking unana,sa mga pigil na sigaw sa higaan,sa bawat tunog ng sagot mo sa chat ko.Nahihibang ang aking puso,nais kung diretsuhin sayo ngunit hindi ko talaga alam kung paano...gaya ng pinaparamdam mo,nais ko na ding aminin sayo..pero nahihibang ang unan ko.

No comments:
Post a Comment