Ang akala kong pag-ibig ay parang yelong natunaw na.Kay hirap sa totoo lang na parating nananabik ako sayo,para bang lagi kitang hanap ngunit madalas naman akong maasar kapag nandiyan ka na.Una dahil hindi naman tayo makapg-usap na gaya ng lagi kong pinapangarap.Hindi rin naman tayo magkaroon ng oras upang magtagpo o magkatinginan man lang,ako ba ang umiiwas o ikaw?
Ang akala kong takdang panahon ng ating lubusang pagkakakilala ay magiging daan upang lalong umusbong ang pag-ibig na iniisip ko talagang ngayon na ay matitikman at mararanasan,hindi pala.Naiinis ako sapagkat mas malapit ka sa isang tao na nais kong ako na lamang.Naiinis ako sapagkat ramadam ko ang pananabik mo din na makausap ako,ngunit hindi ko masabi kung ikaw ba ay nahihiya lang.Naiinis ako ngayon pagkat ang lahat ng mga bagay na ito na dapat ay alam mo at alam ng lahat ay parang asin na nadudurog sa kaibuturan ng aking puso.Nais kung limutin ka at makaya ko ang mga araw ng hindi ka inaalala.Ng hindi ka iniisip o pinananabikan na makausap o kaya ay maupong katabi ka.Nakaka-asar pagkat hindi ko masabi ng tahasan na harap mo ang mga nararamdamang ito.
Minsan nasagi sa isip ko na,wala nga sigurong taong makapagtitiyaga sa ugali ko.Ako ba talaga ang may problema o sarili pagdating sa pag-ibig..Nakakagigil di ba?
Sa tuwing titingnan ko ang iyung mga mata,laging hanap ang sinasabi nilang ''magic''.Iilaw ba ito o magniningning kaya,sa loob loob ko.Pero hindi,wala...hindi ko nakita yun ng minsang mag-usap tayo at makailang beses kung titigan ka.Nakatawa ka lang,bagamat aaminin ko ang saya ng pakiramdam ng mga oras na yun.Heto ang mahirap,tinatamad akong amuhin ka,hindi dahil sa nais kong ako lang ang mahalin mo o sambahin man kaya,ngnit ayokong lokohin ang sarili ko.Hindi tayo para sa isat-isa,kaya bakit ko pa patatagalin ang isang kuwento na puro pantasya.Mananatili na lamang muli akong mag-isa kesa mag aksaya ng lakas upang laging isipin ka.
Salamat ganunpaman,at kahit papano ay muli akong nakaliti ng pag-ibig.Masarap sa totoo lang,ngunit ayokong ma-impatso sayo kung sa huli ay iluluwa din kita.kaya habang maaga pa ang aking pagkabusog,maigi pang maitigil ko na.....
RMR

No comments:
Post a Comment