Kapag nagpakita ka ng sobra sobrang kabaitan,hindi puwedeng hindi ka nila aabusuhin. Mauunawain mo na palaging magkasama ang mga bagay na ito.Magpakita ka ng sobrang pagmamalasakit eh sasanayin ka nilang ganun na lang parati.Magbigay ka ng sobra-sobra,madalas na aasahan nila ang sobra-sobra. Pagbigyan mo ng minsan,madalas na mamihasa naman sila.Sa huli kapag nagkamali ka,ikaw ang pinakamasamang tao na nakilala nila. Ganito ang katotohanan ng pakikisama at pakikipag-kaibigan.
Masanay ka naman sana minsan na gumawa ng paraan sa sarili mong mga paa.hindi yung parating umaasa sa iba.Ikaw ba ang tipo ng taong,kakasweldo palang eh wala na namang pera?Aba?Nagtatrabahao ka ba?Kasu-sweldo lang eh mangungutang na naman sa kasama?At kapag tinanggihan ka,magtatampo at masama eh isusumpa ka pa?Naisip mo bang obligasyon mo ang buhayin ang sarili at hindi obligasyon ng iba na buhayin ka. Sapat na siguro ang minsan,ngunit naman kapag hindi ka na halos nagbago at natutu,malaking problema na ang hinaharap mo.
Sabi ng kabibigan ko eh hinndi raw niya mababayaran ang utang sa palugit na panahon na napag-kasunduan namin.Walang kaso,ngunit masakit sa loob ang isipin hindi dahil sa hindi ka niya nabayaran sa tamang panahon, ngunit dahil..binabalewala mo ang tiwalang binigay ko sayo na tutuparin mo ang iyung pangako.At para sa akin ang ganitong sitwasyon ay mahirap unawain.Alam mo dapat ang mga responsibilidad mo,bilang taong na sa bahagi ng nanghingi lang ng pabor. Mahirap talagang intindihin,ngunit sa huli ay matitiis mo ba ang isang kaibigan?
Narito na tayo sa panahon ng walang pormalang usapan. Ang lahat ay tila ba isang bagay na lamang na normal at kaswal na usapan. Sa likod nito ay kasabay na nawala na din ang sensiridad ng bawat mga salita. Ang isang pangako ay tila ba isang normal na bagay na lamang na maipagpapalipas kapag hindi naisakatuparan. Walang kaso,pagkat walang kasulatan at walang kasunduan na pinirmahan.
Palaging tampuhan namin ng nanay ko ang mga pagkakataon na hindi niya natutupad ang pangako niya sa akin. Una,masakit kapag nabigo ka sa isang bagay na inaasahn mo dahil pinaka-katiwalaan mo ang taong ito. Masakit dahil ang tiwalang ito ay buo,na gaya ng hindi niya kayang baliin anu mang salitang bibitawan niya. Iyun ang masakit sa lahat.
Tatahimik na lang ako at hahayaan kita. Hindi ako magsasalita,ni hindi ako maglalabas ng emosyon..kapag nakita kita,maaring patay malisya o hindi kaya'y iiwasan na lang kita.

No comments:
Post a Comment