.

Email me

PUSO

Simula ng matuklasan ng pamilya ni Sarah na may sakit siya sa puso..animo'y nagsara na ang pinto ng mundo para sa mga pangarap niya.


Sa edad na sampu,ang apat na sulok ng kuwarto niya sa Ospital ang naging panibagong mundo ni Sarah.Naging ganun din kaliit ang pag-asa niyang matupad ang pangarap niyang maging guro.Kasya lamang upang isilid sa maliit na kuwartong kinalalagyan niya.


Mula sa isang masayang bata,unti-unti siyang naging mahiyain at animo'y nawalan ng ganang magsalita...upang ipahayag ang lahat ng kanyang saloobin.Lahat ng hinanakit at tindi ng sakit na dinadala niya.Bagamat salat sa kamuwangan,batid niya kung gaano iyon kasakit sa pamilya niya,lalong-lao na sa kanyang ina.


Ngunit sa halip na lumuha si Sarah sa matinding kahinaan sa harap ng ina niya..ay pilit niyang itinago ang emosyon at pinaglalakbay ang sarili aa tuwing kakausapin ng ina.Subalit iba ang naging bunga noon sa ina niya.Halos durugin nito ang puso ni Mrs.Carlos sa tuwing kakusapin si Sarah,at wala ni isang tugon o tungo ang makukuha dito.Animo'y kinakausap niya ang isanng bato na patuloy siyang sinasaktan.Tulala madalas si Sarah at nakatuon ang mga mata sa malayo,sa labas ng bintana ng kanyang kuwarto.


Sinisisi ni Mrs.Carlos madalas ang sarili sa harap ng anak.Sa hindi nito ginawang pagpapagamot kay Sarah ng ito ay bata pa lamang.Ngunit si Sarah ay patuloy namang pinalalambot,hindi ng sakit ngunit ng totoo niyang damdamin para sa ina.


Mahal na mahl ni Sarah ang kanyang ina.Ngunit nasanay na ang kanyang sarili sa pagkikimkim ng matinding emosyon para dito.Gustong-gusto niya itong ipabatid sa mga kilos o salita,at maging sa kilos man.Pero pinipigilan siya..pinipigilan siya mismo ng kanyang sarili.Sapagkat madalas niyang isipin na wala siyang silbi,wala siyang magandang bagay na maiaalay sa ina.Sapagkat isa siyang inutil sa isang kapansanang habang buhay na dadalhin niya.Ito ang masakit na katotohanang nagpipigil sa bibig niyang magpahayag ng mga salitang mahal na mahl niya ang kanyang ina.Na ito ang patuloy na nagpapalakas sa kanya sa bawat araw.Ang yakap nito at halik,at ang mga pakikipag-usap nito sa kanya na punong-puno ng pagmamahal...punong-puno ng ibinibigay na pag-asa.


Napakasakit ng katotohanan para kay Sarah na sa tuwing nag-iisa lamang siya lubos na nakpagpapahayag ng kanyang totoong damdamin.Buong nailuluha ang hapdi na tinataglay ng kanyang puso.Sa pag-iisa niya nailalabas ang kanyang mga pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.


Hindi namalayan ni Sarah na sa paglipas ng panahon ay lumalala ang sakit niya.Halos anim na taon siyang naratay sa higaang iyon,at halos anim na taon silang ganoon ng kanyang ina.


Hindi inakala ni Sarah ang isang matinding pagsubok na magpapatunay ng tunay at lubos na pagmamahal ng kanyang ina.


Sa kanyang pag-iisa sa loob ng silid.Hindi sinasadyang marinig lahat ni MrS.Carlos ang lahat ng saloobin ni Sarah.Ang lahat ng nais nitong sabihin sa kanya.Ang tungkol sa lahat ng kanyang mga pangarap,ang tungkol sa lahat ng kanyang saloobin.


Hindi kinaya ni Sarah ang emosyon ng pagkakataong iyun.Nag-agaw buhay siya.Malaking bagay na nasa may labas ng silid si Mrs.Carlos at agad nitong natawag ang tulong ng mga doktor.


Sa paghupa ng sitwasyon,lumuluhang nakangiti si Mrs.Carlos sa tabi ng higaan ni Sarah habang ito ay pinagmamasdan.Hindi niya akalaing ganoon siya kamahal ng kanyang anak...at sa loob ng halos ilang taong pagkakaratay ay kinimkim nito sa kanya.Subalit hindi niya akalaing iyon na pala ang huling sandaling maririnig niyang nagsalita si Sarah...

No comments:

Post a Comment