.

Email me

MANIKANG BUHAY

Galit na galit ako sayo!
Simula ng tayo'y magka-ganito
Ikaw ang tangi kong sinisisi
Hindi ko maiwasan ang umiyak lagi.


Iniwan mo dito,
Sa madilim na kuwarto.
Ikaw ang lahat ng nasa alaala.
Bakit kita minahal ng sobra!


Hindi ka na sana dumating,
Umaalingawngaw ang tinig mong malambing.
Ikinamumuhi ko maging ang halik,
Pati na ang iyong yakap,ayoko ng maisip.


Galit ako sayo!
At sa kasalanang ginawa mo.
Napakatanga ko!
Hindi ka pala totoo,
Niloko mo ako,
Iniwang mag-isa dito.


Hindi ko alam kung paano uuwi,
At babalik ang puso sa dating gawi.
Mag-isa palagi,
Mula ng pangako mo ay nabali.


Itong naging bunga ng maling pag-ibig,
Marapat bang kitlin bago magkatinig.
Iniwan mong kay pait na alaala
Ikinamumuhi ko ng sobra.


Wala rin namang silbi,
Ayoko ng umibig pa.
Maging itong buhay ay wala na ring kuwenta.
Marapat na nga yatang sa kadiliman,
Tuluyang maglaho na.


Gaya lang nitong manika,
Iniwan ng gunita.
Matapos ng pagnanasa.
Itinapon ng parang wala.
Sa maling pag-ibig ay walang napala.
Umiiyak ngayon na parang bata.


Hindi mo na maaayos pa.
Tingnan mo kung gaano ang sira.
Binalewala mo,
Tinangay ang pagka-dalaga.
Iiwan mo lang pala,
Isa kang lalaking walang kuwenta!

No comments:

Post a Comment