.

Email me

Papel-Papel

Nag-uumpisa ang lahat sa isang blankong papel.........huh!?Tama,oo.Pangkaraniwan na ang mga linyang ito.Simple pero totoo.


Marahil ito ang pinaka-simpleng halimbawa upang isalarawan ang buhay ng tao.Mula ng tayoy musmus hanggang parang unti-unting nagiging puspus ng papel na sinunog.
Sa una lahat ng pahina'y malinis.May guhit man ika nga,na parang sumisimbulo naman ng ating daan na dapat tahakin.Sariling mga kamay pa rin natin ang magsusulat ng mga salita,at ang bubuo ng kuwento..hanggang ikalawa o ikatlong pahina man.
Minsan napupuno ang pahina ng tuloy-tuloy na pangungusap ng walang bantas.Akala mo ang dinadamdam ay wala ng wakas at kilangang maisulat sa isang mahabang talata na halos puno ng pang-ugnay na nagtutuloy upang ang kini-kwento ay magkabuhay.Gayundin ang buhay mo di ba?


Minsan,napipilitan ka kahit na ayaw mo na.Sa puntong ito ng talata nahuhubog ang mga desisyon mo sa buhay.Minsan tinatangay ka ng pakikisama ng PAKIKIPAGKAIBIGAN.Nahihirapang tumanggi,nahihirapang humindi.Sa kabuuan,ang papel mong hawak ay napupuno ng mga talatang hindi naman angkop sa kuwento.Nasasayang ang espasyo,nalilihis ang saloobin ng sinusulat mo.Tanggapin nating natural sa tao ito.


Nakakatawa dahil sa pagka-simple,hindi natin maiwasan ang mga bagay na ganito.Ano pa't pag sinubukan na natin basahin ang tinatakbo ng sinusulat na kabanata...kung hindi bura,tapon sa basura ang kahahantungan ng sinusulatan mong pahina.Pinipilit nating limutin ang nagdaan,pinipilit burahin ang mga kamalian sa nakalipas.Sino nga naman ang may gusto ng ganito sa papel nya??Natural,sasabihin ko sayo.Pagkat likas sa tao ang mag-asam ng kung ano ang perpekto.Parating matuwid ang gusto,malinis,walang dungis.Ang bawat salita ay angkop at ang bawat talata ay ninanais lagi na puno ng kulay.


Pero pano kung may pambura ng para ng sa lapis,o may white out para sa ballpen??Subalit wala..ang buhay ay isang mahabang linya na pasulong parati sa unahan.Tuwid,kurba o paalon-alon man,umikot man pabalik sa nakaraan pero hinding-hindi hihinto.Hindi hihinto dahil nagkamali o nabigo ka.Hinding-hindi hihinto dahil nasaktan o suko ka na.Baguhin mo man ang pahina ng papel mo,parating may pagkakamali sa isang punto dito.Kahit gaano man ito kakulay o kapuno ng buhay.'Ang buhay ng tao ay isang palaisipan na mga pagkakamali'.At sa mga pagkakamaling ito umuusad ang tinta ng ballpen mo.Siyang dahilan kung bakit ka muling nagsusulat.Upang itama ang mga pagkakamali sa mga pahinang nasulat mo.Sa mga pahinang pilit at ninanais mong iwasto.


Iwasan mong maging masyadong tutok gayunman sayong dapat tahakin.Sa tema na dapat mong mabuo.Mahalaga na malaya ka sa anumang desisyon na meron ka.Isipin mong ang buhay mo ay isang malayang taludturan,walang bilang ang saknong o tugma.Ang pagpapahayag ay lubos na masaya kung nasusunod mo anuman ang nais mong makatha.Papel nga lamang na maihahalintulad ang buhay ng tao,sa paglaon ng panahon ay mabubulok subalit sa huli;ang kathang naibahagi mo sa iba ang importante.Minsan nasubukan mong magbahagi hindi man ng isa sayong mga pahina,ang makapag-bahagi ng kathang ikaw mismo ang may likha ay malaking tulong sa iba.'Ang buhay ay papel ng aral,papel ng pagkabigo at tagumpay.Papel ng mga awit o ng pagluluksa.Papel ng inspirasyon o ng Pakikibaka'.'Anu man ang sulat na meron ang iyong papel,yan ang buhay mo'.Kung pano ito iintindihan ng kapwa mo,ganun mo rin sa kanila ipinapakilala ang sarili mo.Ganun mo ibinabahagi ang buhay mo,ang kuwento ng buhay mo.


Papel ng tao ang mabuhay ng masaya.Tama hindi ba!?Subalit tanggapin natin na bahagi ng papel na ito ang mga pagkakamali.Sa paanong paraan man hinusgahan ang papel mo ng yung kapwa,'wag mong isiping laging may pahinang pangalawa.

No comments:

Post a Comment