Malayo na nga ang agwat ng mundo natin ngayon kung titingnan ang pamumuhay ng tao noon sa ngayon...kung susuriin kapuna-puna dito ang pagtingin natin sa pagitan ng mga mayayaman sa mahihirap.Ang pader na patuloy na tumataas at humahati sa dalawang uri ng tao sa lipunan.
Napakarami nga totoo ng pagkakaiba ng mundo natin noon sa ngayon.Subukan nating pumasok sa dalawang kapuna-punang pagbabago na nabanggit.
Noon,wala kang masasabi na mayayaman o nakahihigit,mahihirap o mga salat.Dahil halos lahat noon ay sagana.Ang buhay ay hindi mahirap na idinudulot ng pera,ng yaman o ng pag-aari.Ngunit ngayon halos iyon na ang nagpapahirap sa atin ngayon.At bunga nito ang sari-sari pang problema nagyon sa lipunan.
Nang lumala ang problema sa pera at pananakop ay umusbong ang ibat-ibang krimen,problema sa edukasyon at sa pulitika.Korapsyon,patayan,patindi ng patinding kahirapan at marami pang iba.
Ang matinding problemang ito,ay lubos na pasan ng mga musmus.Ng mga walang muwang sa lipunan.Mga musmus na nabibilang sa pamilyang matindi ang kasalatan.
Totoo ang Pilosopiya ni Charles Darwin na ''The world is survival of the fittest''.Kung sino ang mahihina,sila ang nasasadlak sa kahirapan.Sila ang pilit na pinapasan ang bunga ng matindig kasalatan.
''Sa bawat pag-iyak ng sanggol,walang mahagilap na anumang makapagpapatahah sa nagmumurang sikmura ng musmus.''Walang gatas,walang tamang nutrisyon na maibigay,kaya lumalaki kasabay ng paglala ng sakit na tinaglay niya mula sa mga magulang niya.
''Musmus na nakikipaglaban,munting mandirigma sa murang kamuwangan.Walang taglay na gamot kundi ang maiinit na yakap at pagmamahal ng kanyang ama at ina.''Walang muwang sa labang kinakaharap niya.Inosente at ignorante sa kaunlaran ng mundo.''Ang kaunlarang iti na patuloy namang tinatabunan ang kasalatan na nakararami''...nakakatawang isipin di ba??Nasaan ang balanse,hindi kailanman nagkaroon marahil..Niloloko natin ang ating mga sarili,pagkat isang bahagi lamang ng pag-unlad ang ating nakikita.Iyon ang pag-unlad ng ating mga sarili at hindi ang pag-unlad ng iba,pag-unlad ng lahat.
Kaya ano pa ang aasahana pag-asa ng batang ito??Lalaki siyang uhaw na sa yaman,pati na sa hustisya at karapatan.Sa hindi pantay na pagtrato ng lipunan.Sa ipinagkakait na kaligayahan,sa mga huwad na katotohanang ipinamumukha ng mga magugulang sa kapwa.At habang patuloy ang ganitong siklo aa ating lipunan,paulit-ulit din tayong umiikot sa kalituhan ng hindi natin namamalayan.
Ang iba,tumanda ng lang at namatay ng hindi nakakaranas ng kahit anong kasaganahan.Unti-unting rumupok dala ng sariling sakit ng katawan at ng kanyang lipunan.Namatay ng hindi nasisilayan ang nasa likod ng pag-asang inalagaan.Wala ni saglit ang nakasaksi ng pagkakaratay niya sa madumi at madilim na kuwarto.Lahat ay nauwi sa wala,kawalan ng kapayapaan ng kanyang pusp at ng kanyang isipan...At hanggat walang lumilihis sa siklong nakagawian?Ito?Ang mga ito ay paulit-ulit na mangyayari,at ang masama pa ay patuloy itong lalala,hanggang sa lahat tayo ay mauwing lahat...sa wala.
thank you po
ReplyDelete