Mahirap pala ang magmahal ng lihim.Ang maglihim sa mundo na tayong dalawa ay nagmamahalan.Naitatago ko lang sa aking sarili,na tayong dalawa ay totoong nagmamahalan.
Hindi alam maging ng ating mga kaibigan.Paanong naitago natin ito?Paanong nakakaya natin ito?Paanong inililihim natin ang pagmamahalan na ganito.
Sa matatamis na awit ay para bang ako'y hibang na nasasabik sa sobrang saya.Gamit na gamit ng sabihin ko pang ''tumitigil nga ang oras basta kasama ka''...gaya ng sabi ng halos lahat ng mga awitin,ng lahat ng mga tula o lahat ng mga pelikulang nagawa.Pagkat mahal kita,kahit ano magagawa.Basta kasama ka.
Nagkasundo na ang pagmamahalan na ito ay ilihim upang walang masaktan,upang ako ay maitago sa kahihiyan at ikaw ay mailigtas sa katatawanan.
Sa mga mensahe mula sa text madalas,kuntento na nga ba ako o sadyang nahihibang lang pagkat sadyang tayo ay nagmamahalan.Natatakot na ikaw ay mawala sa akin,gayun ka din sa akin.
Naiisip kita lagi sa tuwing malayo ka na para bang nais kung hanapain sa lahat ng taong makikita ko sa daan.Malungkot,natatakot na ikaw ay nawala na lang ng hindi ko namamalayan.Nangangamba na baka ikaw ay hindi na muling makita ng wala man lang paalam.
Mahirap man unawain ang ganitong pag-ibig na para bang isang awiting hindi ko maintindihan ang mga salita ngunit kay sarap na pakinggan na parang halumigmig na nanunuluyan sa aking puso.Nararamdaman ko hindi ko man maintindihan,natutuwa kahit pa sabihin nilang ito ay hindi tama.
move on pag my tym sakit kaau ba??
ReplyDelete