Maambunan ng kaunting tulong,abuso na.Nagdiriwang kahit na hilaw pa.Nagyayabang,nagmamalaki at nakuha na agad na magbuhat ng sariling bangko.
Galit ka ba?O nagtatamapo kaya dahil ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa din maalalang bayarang ng kaibigan mo ang utang niya sayo.Kaya sa ganti at sa hiya mo na din siguro na singilin pam siya,naging mapanuri ka sa bawat maliliit na bagay na hinihiram niya. Ganyang sadya ang tao,kapag nasobrahan ng galit ay nagtitimpi at ang pagtitimpi ay nauuwi sa matinding pag-aamok ng kalooban.Ito ang pinag-uugatan ng matinding away.Anumang klaseng relasyon,pagka-kaibigan o magkasintahan,mag-amo o magkapamilya.Malaking bahagi ng kaguluhan ang pang-aabuso sa mga bagay-bagay na sa totoo lang ay maliit na bagay ngunit nagiging simula ng isang malaking away.
Porke nagpakita ka ng magandang kawang-gawa sa mga mahihirap ay iisipin na agad natin na palagiang gawain na ito,hindi man ngunit samakatuwid ang umasa ay sa ganung resulta din ang kahahantungan.
Hindi nga ba't tayong mga Pilipino ay mahilig na mahabag sa kapwa,at kabaligtaran nito mahilig din tayo na mang-abuso ng kabaitan ng ating kapwa.Iniisip nating lagi ang tulog nila sa lahat ng pagkakataon,at sa panahong tayo ay mabigo ay matindi parati ang ating galit.
Hindi tayo kailanman kailangan na parating umasa sa kapwa.kailangan na mayroon tayong sariling diskarte para sa ating mga buhay. Tayo ang namamahala ng pagtakbo ng ating sariling gulong at hindi ang kung sino man. Sa totoo lang,hindi ang gobyerno o ang simbahan,lalong hindi ang ating pamilya o ang labiyak sa buhay.Hindi natin dapat na abusuhin ang tulong mula sa iba gayungdin kakambal nito ay hindi natin dapat na iaasa ang maraming bagay sa kanila kundi sa sarili at sa sarling mga kamay lamang natin at wala ng iba.
No comments:
Post a Comment