.

Email me

Naloko Na

Malaking kaibahan ng pakikisama sa nagpupumilit.Nakikisama ka sa dahilang nais mong makihalobilo sa mga taong gusto mong kasama at hindi nagpupumilit na nagsusumiksik dahil gusto mo lang na makisakay o makigaya, hinding-hindi ang makisama.Very wrong!

May mga taong may maikuwento lang kahit walang kuwenta basta masabing naka-connect siya,deadma na. Fowl lalo kapag ibang tao pa ang ikinuwento mo,makapag-share ka lang, kinalimutan na ang kahihiyan o kasiraan ng iba. Inamin mo pa, yun ang masakit at nagatwiran ng walang kakuwenta- kuwenta. Dahil gusto mo lang mag-share??? Share?? Malaking kaibahan din ng nagbabahagi sa nagpapalapad ng papel.

Ang gulo nga naman ng tao,wala talagang perpekto. May ubod ng talino pero pagdating sa pakikipag-kapwa tao, sobrang bobo. Malamang dahil sa kulang sa experience ng social life. Kaya okay na sa akin ang saktong may alam at marunong makisalamuha sa tao. Hindi manhid at may pagpapahalaga sa kapwa tao. May mga tao kasing sadyang matalino ngunit nasaan, nagsosolo at walang kaibigan. Napaka-literal. Alone!

Panong naaatim ng isang tao na mabuhay ng may iniiwasan o pinagtataguan. Matagal na nating nakamit ang kalayaan, at kahit noon pa man, sa totoo lang. Tao mismo ang nagkukulong sa ating mga sarili. Sa mga bagay na dapat na gawin nating tama at para sa kapakanan ng lahat hindi lang ng sarili. Ewan ko nga ba kung abkit ganito ang tema ko ngayon. Ilang beses na naman siguro akong naging looser nitong nakaraan. Siguro, o masyado lang emosyonal ang kantang pinatutugtug ko sa background habang sinusulat ito. Gawa ng lecheng last minute change of plans. Nakakaasar. Naloko na! Masakit pa anamn yung excited ka na tapos biglang sasabihin sayong hindi na tuloy ang lakad. Gayong kauna-unahan pa lang ng plano ay parang napilit ka lang. Hindi na muling mauulit. Pero ilang beses na akong nagka- ganito.Which is ayaw n ayaw ko sa lahat. Parang kang nagmukhang tanga lang!!!

Napakahalaga ng pagtupad sa isang pangako. Katumbas nito ang tiwala na binigay mo sa taong umaasa sa pangako mo. Pero maloloko kang talaga, dahil hindi pwedeng hindi. Gaya ng mga pelikulang walang kakuwenta- kuwenta. Nakaka- engganyong panoorin dahil sa trailer pa lang kita mo na kung sino ang mag kabilang na artista, ang punchline ng pelikula at ang kuwento kakaiba. Naloko na nga! Temang sobarang pambata ang ng nanonood ka na, tipong mg batang limang taon lang ang nanonood ng palabas. Leche!!!Walang kuwenta pa ang istorya, dinaan na lang pala talaga sa mga artista. Pero sa huli, nakakatawa hindi ang pelikula o ang kuwento ng pelikula kung hindi ang Producer ng pelikula ng gumastos sa isang napaka-walang kuwentang proyekto. Mas gusto ko pang panoorin ang mga lumang drama noon, huwag lang masosobrahan dahil ang mga pelikulang ito halos mahuhulaan mo na. At pag nagawa mo ngang mahulaan eh, pwede ka nag mag-direktor. Paulit -ulit nga mga kuwento, napaka- predictable na mga kuwento at walang kalatoy latoy na mga eksena. Ewan, pero naloko ka na bago mo pa malaman.

Heto tuloy ako mag-isa ngayong weekends at walang gala. Nasaan ang planong uuwi ng probinsya!?? Nakakaa- asar talaga. Marami pa naman sana akong plano. Ang kumuha nag kumuha ng maraming larawan ng sarili ko habang nasa biyahe. Parang MTV lang o di kaya Docu Film. Naloko na,heto at mukhang tabloid writer lang ata ang kinahantungan ng mga palano last week. Punyetaaa!!! gaano ba naman nag magsabi ng mas maaga kung may maiiba ss plano para naman sana ay napaghandaan ko ang araw na ito. Kung sabagay, mas gusto ko din naman ang pag – iisa ang at mga sandaling tulad nito. Nakaka-relax, walang istorbo, walang KJ. Mukhang mauubos ko na naman ang lahat ng dvd movies at series na linggo linggo kong binibili. Ayokong lamunin ng pagkabagot pero mas lalong ayaw kung lokohin ang sarili ko na lalabas na lang ako para mas mag- enjoy pero ang ending, mapapagastos ka ng para sana sa higit dalawang linggo mo ng allowance. Kuripot pa naman si mama at papa. Sa bahay na lang, okay na ang ganitong nagta- type at parang kinakausap lang ang sarili. Tinatawanan ang sarili at deadma na kahit walang magbasa, at least lumipas ang oras na dapat ay kumakain na naman ako o hindi kaya ay nani nigarilyo. Doon ako hindi naloko. Kahit weekends man lang eh makapag- absent sa pagyoyosi. Teka, naloko pa din ata ako, mukahang katumbas naman kasi ng mauuupos na yosi ko sa opisisna tuwing may pasok eh para sa halos dalawang linggo. Minsan pag may inuman pa, akala mo text unlimited. Naloko na nga!

Ang saya sana kung biyaheng anim na oras ay tapos na pauwi ng probinsya. Ang nakaka- relax na biyahe sa bus. Anim na oras lang naman naka- upo,hindi ba parang nakakapagod ata yun? Pero hindi, mas gusto ko pa din ang mga sandaling yun tuwing babayihae papauntan g probinsya lalo na kung day trip, relaxing ang view habang nakasalampak sa tenga ang headset tapos ang sound eh parang nagpapa- foot spa ka lang. Hanggang sa makatulog ka, hindi mo namalayan tapos na din ang facial. (Pero hindi mo alam na yung ginamait na pang- hilamos sa mukha mo eh yung ginamit sa paa mo. Chika lang!) Naloko na!

Kakain na naman nga. Akala ko lipas na ang gutom. Naloko pa din ako talaga! (Kusina attack!)