.

Email me

Magdahan-dahan Ka



Sa sobrang dami ng mga nakaraan halos nakalimutan ko na ang pagblog na gaya ng ganito. Maraming aral na naman akong natutunan at mraming bagay ang nalaman ay nabigyan ng liwanag. 


May mga lumabo din naman, maliit na bagay gaya ng paglabo ng tuluyan ng aking mga mata. Pero maliit sa kapiranggot kung pino-problema ang bagay na ito. Mas higit kung ikinababahala ang mabilis na paglaki ng tiyan ko. Hindi po ako buntis, dahil wala naman akong jowa o kasintahan. Lalong hindi naman ako other woman o kiringking. Napalakas lang siguro ako ng pagkain ng mga nakaraang araw. Yan na nga ba ang sinsabi kong epekto ng pagpipigil ng pagkain. sa pagbabawi ka humanda. nalintikan na nga. Tumaas na nga yung timbang ko ng halos limang guhit sa timbangan eh tumaas din lalo ang dugo ko- kailangan ko na ba takaga ng maintainance para sa high blood? Madaling sabihing handa ka ng mamatay pero napakahirap harapin lalo pa't parang kinakalabit ka nang parang nangungutya sa sari-saring mga karamdamang parang paalala na,'' hoy! Magdahan-dahan ka naman!''


Heto na nga, kapiraso ng naganap ay ang dapat na sana ay naibahagi ko noon pa. Ngunit dahil pinilit ko na magkaroon ng isang magandang turning point, hindi rin pala. Gaano at sino ka nga bang maituturing sa loob ng isang opisina. Naisip ko lang mga taong ito:


Una, ikaw ba ang empleyado na Bossy pa sa Boss mo. Maaring dahil mas mayaman ka sa amo mo at nagtatrabaho lang bilang pampalipas oras. Yung tipong ang boss mo pa ang nahihiya sayo kapag hindi ka napagbigyan ng leave. 
=Bossy ka pa sa Boss mo kasi mukhang mas mayaman ka. 
=Mas matalino ka.
=Mas may hitsura ka.


Pangalawa, ikaw yung empleyado na nagpapaka-Boss kaharap ng ibang empleyado. = Yung tipong malapit ka kasi sa Boss kaya akala mo Boss na din sila.= Parang ikaw, bahag din ang buntot sa Boss pero ang yabang kapag kaharap ng mga kapwa empleyado dahil maganda ang performance? Pero may pangit pa din, Kung hindi ang mukha ang ugali na nga. Kaya lalong pang-asar ang ganitong mga katrabaho.=Minsan maghahakot pa ng mga dalmatians- mga kakampi sa opisina na kinaiinisan mo at nagsama-sama pa sila. Parang gago lang di ba?


Pangatlo,maaring kabilang ka sa klase ng mga empleyadong Go lang with the flow. Parang gusto ko yung mga tipo na ganito. balance lang. Marunong sumakay sa mga pauso ng Boss at marunong makibangka sa saloobin ng mga kapaw empleyado. Hindi ka playing safe o plastik. Transparent ka kung sa transparent pero ang kagandahan marunong kang puminli ng kalaban.
= Pwedeng plastik kung minsan.
= Pwedeng magsinungaling minsan.
= Pwedeng gumawa ng kwento o magpaikot ng kalaban- marunong kang mag-fish. 


Pang-Apat,heto talaga ang nagdala sakin dito. Ikaw yung tipong kaaway ang lahat. mapa-boss pa siya o katrabaho. Bakit may mga taong ganito-Freak!!!
=  Napagalitan lang siya-sinumpa na ang buong angkan ng Boss niya o ng katrabaho niya.
= Ang daming reklamo ukol sa mga patakaran ng kumpanya- Paano naman kasi mauunawaan kung mga simpleng batas sa opisina eh hindi mo masunod at masam pa eh hindo mo alam. Kasam mo po sa pagpasok ng kompanya ang alamin ang mga simpleng bagay na karapatan mo at patakaran ng isang kompanya. Hindi ito tatakbo sa ilalim ng batas mo kung hindi sa ilalim ng batas ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo. Tama???= Kaya may Boss at Employee relation, para sa mga panahong kailangan mo ng tulong- Boss ang tutulong sayo. Kaya ang ending kapag nagipit ka sa rason walang tutulong sayo at wala kang ibang aasahan kasi wala kang pinipiling kalaban.



Sa huli ang pinakamahalaga ay magtrabaho ka ng naayon sa hinihingi ng iyong trabaho. Magtrabaho ka ng tama, pwedeng kulangin minsan o pwedeng magsobra minsan. kapag tinatamad ka naman hindi magandang paraan ang AWOL o mga rasong patay si ganito o si ganyan. Sa dami ng nagugutom ngayon, ipagpasalamat mo na kabilang ka pa rin sa mga taong kumakain ng higit sa tatlong beses sa isang araw. Magmove on ay mdali pero mas mahirap mag-diet. Kaya naman kapag araw ng suweldo huwag mong pigilin na gastusin ang pinagpawisan mo sa pagkayod. 


Ngunit isang malaking babala-unahin mo naman sana ang mga kautangan mo bago ang kapritsu. Maging responsable ka sa pagharap ng problema hindi yung tipong tatakas ka na lang basta. Na gaya ng napakarami kung nakilala.Wala naman masama sa pangugutang, parang simpleng paghiram lang yan ng ballpen sa school o ng pantasa kaya ng lapis. Kailanga na matuto kang sumauli. kailangan na matuto kang magkusa. Ito ang isang bagay na kiniinisan ng marami sa atin, hindi ba? Mga simpleng bagay na kung tutuusin ngunit nakaasar lalo pag parati kang pinangangakuan. Buwaka ng pagkapikon ang laging inaabot ng iba sa atin. Masama pa sa away lagi nauuwi.


Bueno,maliit na bagay lang mga ito kung tutuusin sa totoo lang. Ang malalim na bagay na nais kung pagtuunan ng pansin sa talatang ito( ano daw??)- eh ang pag-uusap tungkol sa mga bagay na nagpapabagot sa ating buhay. Tulad ng mga bagay na lagi nating ginagawa sa trabaho. Mga araw na parati kang magatatago dahil iniiwasan mo ang maniningil ng mga kautangan mo. Mga bagay na matagal mo ng hinhintay ang resulta ngunit walang ni-gakarayom na senyales na nasa ibang level ka na. Mga sandaling alam mong malayo na nga ang narating mo pero parang may ibang daan ka pa lang nais na tahakin. May iba ba kayong nais na kaharap ngayon sa buhay? Yung tipong sinasabi mo sa sarili mo na ito ang gust ko. ganito sana dapat ang buhay ko. Sa madaling salita gusto mo ng pagbabago sa sana ay umiikot mong buhay ngayon. Ang tawag diyan- ambisyosa!!! Pero walang masamang mangarap. Sinasabi nga na ang buhay ay parating pasulong. At sa mga sandaling tahimik tayo at nag-iisa kung saan ang utak ay nasa tinatawag na default mode eh malakas ang ating pag-unawa sa mga bagay bagay at emosyon ng ating katawan at mga pananaw sa buhay. Pananaw sa sarili at sa lipunan. Ito ang mga panahon nagkakaroon sa atin ng kahulugan ang mundo at ang agting buhay. Sana maunawaan natin na mahalaga ang mga sandaling ganito. Mga sandaling may katahimikan at nagrereflect sa sarili. Mahalaga na balanse ang mga panahong tahimik at nagdadaldal tayo. Ibig kong sabihin mahalaga na may mga sandali sa buhay natin ang oras na nagninilay-nilay din tayo. Dahil ito ang tumu-tulong upang maging mas bukas ang ating isipan sa mga pangyayari sa ating paligid. Nakatutulong upang mapunan natin ng atensyon ang ating mga responsibilidad. Simple lang naman ang bagay na ito- ngunit kung tutuusin isang napakalaking bagay ang tulong sa tao. 


Iba ang pag-aalala sa pagninilay-nilay,hoy!!!! Huwag mong problemahin ang mga bagay na wala  kang kontrol- mabuting alamin mo ang mga responsibilidan mo sa buhay pero huwag itanim na lahat ng bagay eh kayang lutasin ng utak mo. Na para bang naisip mo na ganito ang dapat na mangyari eh yun na ang magaganap. may mga bagay na sadyang hindi mo maipipilit anu man ang iyung gawin. Gaya ng pag-gayuma mo sa crush mo. O pagkuha ng isang posisyon sa opisina na ina-aplayan mo. pagiging first honor sa klase o ang pananalo sa lotto. Simpleng bagay pero ang lahat ng ito nangangailangan ng aksyon. Pagsipagan mo ang pag-aayos o pag-aaral. Kung hindi mo kaya,isipin mo na ito ang gusto mo kaya kailangan maabot mo ito. Sa huli isipin mong lagi ang epekto ng gawain mo. mabuti man o masamang gawain mo,kailangan lagi kang handa sa resulta. Hindi man ako masyadong sang-ayon sa sobrang pagpaplano dahil ang lakas din maka-sakit nito kapag nabigo lang. Kailangan sakto lang. Kahit papano eh nasagi man lang sayo.....


You can also read this here: BlankaVendetta On Facebook

No comments:

Post a Comment