.

Email me

TATLONG BUNDOK

Nasabi ko na nga sa kaibigan ko na mali ang maging kalaguyo,ang maging kabit. Masuwerte ka higit sa lahat ng ibang tao. Matalino sa lahat ng bagay,sa pag-ibig ka pa ba papalya?

Sa totoo marami ang uto-uto ng pag-ibig. Marami ang bulag at marami ang nalilinlang nito. Ang kaligayahan ng pagmamahal at minamahal ay hindi nga naman kayang tumbasan ng kahit na anong yaman.

Pero magmahal ka ng tama. Huwag mong gawing problema ang sarili mo pagdating sa pag-ibig. Anumang bagay na hindi sayo ay masama- lalo ang pangangaliwa. Kung ikaw ay talagang mahal ng lalaki, hiwalayan niya ang isa para sa isa. Hindi ko sinasabing ito ay tama. Ngunit ang lahat ay may hangganan at solusyon. Bakit hindi mo hiwalayan ang asawa mo kung hindi ka na masaya dito? 

Masarap magmahal ng malaya. At lalong hindi masamang bumuo ng pamilya- ng malaya mong naipapahayag kung gaano ka kasaya sa loob ng pamilyang ito. Katangahan ang umibig sa taong may sabit! Ilagay mo na lang ang sarili mo bilang ang taong inagawan? Matutuwa ka ba? Hindi di ba? Ikaw ang gagawa ng desisyon para sa sarili mo. Kung magmamahal ka, isipin mong laging una ang pagmamahal sa sarili mo higit sa sinuman.

No comments:

Post a Comment