.

Email me

PAANO MO MAN SABIHIN, NAKAKATAWA KA PA DIN

Sige na nga,dahil puro parang kritisismo ang mga naisusulat ko. Susubukan kung punahin naman ang kabaitan ng ibang mga tao. Umpisahan na lang natin sa grupo ng mga magkakaibigan. Ikaw ba yung tipong pagtatakpan mo ang kamalian ng kaibigan mo sa ibang tao? Mali yun, dapat ipaliliwanag kung sa palagay hindi mali ang kaibigan sa halip na itago o itanggi ang isang bagay. Bakit ba una sa lahat ito naging mali. Dahil hindi lang ikaw ang maaring magdagdag sa kalituhan maaari ding magpalaki lang ito ng isyu.

Laging sinasabi sa sarili ko na mabuting harapin mo ang isang bagay lalo pa kung pinag-uusapan ito ng lahat. Ibang usapan naman kapag hindi. Pero bakit na dapat itong harapan. Una, malulutas at matatapos ang usapan kung lahat tayo ay mabibigyan ng linaw. Ang tsismis ay gaya lang ng isang palabok na pinasarap ng mga lahok nito. Pero tikman mo ng mahusgahan ang lasa. Masarap at katakam-takam sa tingin pero panglasa ng dila pa din ang maghuhusga! Mapalad ang mga taong may ganitong klaseng kaibigan. Ipagtatanggol ka nila sa paraang hindi ka nila ilaglag ngunit alam may kabigpa ding isinasalba ka sa kapalaluan ng dila ng iba. Higit na natutuwa ako sa mga kaibigang madaling tumawa sa anumang bagay sa buhay. Yung tipong hindi mareklamo at sa halip nagbibigay ng suhestiyon na ang problema ay nandiyan lang kaya kung laging papansinin lalo mong iisipin. Tama nga naman.

Walang masamang tumawa at tawanan ang problema anumang klase yan. Binabagayan tayo ng ating mga madalas na kasama sa buhay. Mapapansin mo ito sa mga grupo ng magkakaibigan. Ikaw ang pipili na nais mong makasama. Hindi ang sitwasyon o ang gawa at kilos mo ang pipili para sayo. Bakit ko ito nasabi? Pagkat sadya tayong may inaayunan sa buhay, mananatili ang isang kaibigan sayo kung maruonong kang makisama sa kanila. Kasi kahit sila man ang unang lumapit sayo ng kusa kapag hindi nila ramdam na nais mo siyang kasama, walang pagkakaibigang mabubuo. Mananatili siya sa labas pa din ng bakuran mo.

 Salamat at may mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. Marunong umunawa at marunong umintindi sayong mga kagaguhan. Marunong umalala kapag napansin ang bagay na naikuwento minsan na nakakatawa. O napuna ang pinatutugtug na paborito mong kanta. Pansinin ko na din ang pagbabasa sa mga sulat kong nabibigyan ka ng ideya. Na ang buhay ay masaya napupuna man madalas na may mga hindi tamang gawain sa isang lugar, sa isang okasayon o pagkakataon. Salamat sa mga taong binibigyan ka ng dahilan para bumangon. Nabigo ka man at umiiyak sa pag-ibig ngunit heto ka at tumatawa pa din. Natauhan na ang pagmamahal ay hindi lang isang bagay na espesyal mula sa isang natatanging tao. Na sa gawain o gawi ng pamumuhay mo ito. Kapaki-pakinabang ang bawat oras na gaya ng isang pabrika. Hindi ka dapat huminto at sumuko dahil malulugi ang negosya. Masasayang ang mga araw mo na sana may natutunan kang bagong karanasan.

Ang buhay ay isang malayang espasyong para bang blankong papel na maaari mong maisulat anumang bagay sa totoo lang. Makapagpapahinga ka lang kapag ubos na ang pahina. Kaya't hanggang may lapis at may papel ka, ituloy mo lang ang pagguhit ng istorya ng buhay mo. Nasasayo kung ibabahagi mo ito o pananatilihin sa sarili mo. Pero hindi puwedeng maging blanko ang papel ng buhay ng isang tao. Ang sulat mo ay katuturan sa buhay ng isang tao at ang pambura ng lapis mo ay ang simbulo ng mga pagkakamaling magpapa-alala sayo. Mapudpud man ito dahil binigyan ka ng pagkakataong itama ang mga kamaliang nagawa mo. 

Salamat sa mga pagkakataong naging inspirasyon ko ang mga taong mapanira sa sarili mo. Naging bukas ang iyong isipin sa kung ano ang tama at nakilala mo ang mga taong mahirap pakisamahan pero ginawa mong pakisamahan. Salamat sa mga kritisismo ng ibang tao dahil naging komporatble kang harapin ang mga pagkukulang mo at mga kapintasan sa sarili. Naging mas matapang ka at malayang kumilos. Salamat sa mabubuting payo ng mga taong nagmamalasakit na unawain ka sa kabila ng iyo ng kawerduhan o kabaduyan. Hindi ka nag-iisa kahit papano nabanggit mong ganun din sila at sa huli sabay-sabay niyo itong pinagtawanan. At paulit-ulit na pinagtatawanan tuwing muling mapag-uusapan. Parang mga bata lang...

1 comment: