Kanya kanya tayo ng selan o arte sa katawan. Kung pano ka humarap o makisalamuha sa tao ay nakadepene kung gaano ka din ka-pihikan! Sabi pa nga ng ibang matatalim ang dila, huwag kang choosy!
Pero nasusukat nga ba ang pagkatao sa kung gaano siya ka-arte? Siyempre hindi, pero malaki ang nagagawa ng arte ng tao sa pakikisalamuha sa kapwa tao. Siyempre gusto mong makipag-kaibigan sa mga taong hindi maarte, yung hindi mapili. Sino ba ang matutuwa sa taong sobrang maarte. Walang pinipiling lugar o panahon at pagkakataon? Hindi ito nakakatuwa, totoo!
Subukan mong ilagay ang sitwasyon ng ibang tao sa sarili mo. Isang bagay na sana ginagawa natin kapag may mga bagay tayong mahirap na unawain. Ang buhay mismo ay maarte. Ikaw ang pipili ng produktong angkop sa nais mo. Gusto man o hindi ng iba ang mahalaga ay kontento ka dito. Hindi ko nais na hayaan mo ang sarili mo sa mga ka-artehang ito. Ngunit sa bandang huli ang importante ay ang pagpapahalaga mo sa isang bagay ay malinaw na katibayan ng iyung pagkatao at hindi ng iba. Nakuha niyo? Hindi dahil nanggaya ka lang kundi dahil iyun ka.
No comments:
Post a Comment