.

Email me

Naihip Lang ng Hangin

Matagal-tagal din bago ako muling nakapag-sulat ng muli sa blog na ito. Medyo naging busy nga ako sa mga nagdaang buwan. Sobrang busy. Bukod sa panibagong posisyon.promosyon sa opisina, hindi ito naging madali upang pagsabayain ko lahat ng nais kung gawn at mga pinag-kaka-abalahan. Naging maayos naman ang mga bagay-bagay, ( kung hindi nga lang medjo tumatalon ang mga letra ng keyboard habang nagta-type ako). Maayos ngunit nangangapa pa rin ako tila baga sa dilim. Siguro mag-lilimang  buwan na din ang nakararaan. Baguhan pa din ako maituturing sa bagong posisyon, ngunit masasabing kung isang napakalaking lundag ang naganap. Mula sa aspeto ng mental at sosyal na bahagi ng aking pagkatao ang dulot ng promosyon na ito.

Anyway, stressfull;oo. Hindi madali ang mamuno ng mga tao. Kaya nga never akong nahlig sa mga student organization ng high school o maging ng college ako. Masarap lang siguro sa pakiramdam na sinusunod ng tao ang utos mo. Pero hindi yan totoo sa lahat ng pagkakataon, alam nating lahat yan. So far, hindi ko pa naman halos nais sukuan ang posisyon na ito. Masasabi ko pa ding worth it ang trabaho at masaya ako. Lalo pa yung makitang nakakatulog ka sa iba. Yung nakakapag- bahagi ka ng talento sa kapwa, arteh!


Ngunit sino ang mag-aakalang ito ang kahahantungan ko. Ibang posisyon kasi ang una kong mahal. Siguro tama nga ang nasabi o sa sarili ko noon ng hinto ang kinatayauan ko ngayon. Hindi sa lahat ng pagakakataon at hindi llahat ng bagay ay para sa atin. May mga bagay na sadyang inilaan para sa atin at matutuklasan natin ito in time kapag handang handa na talaga tayo. Wala akong pagsisising nararamdaman ngayon, bagkus ay lubos kung ikinatutuwa ang mga bagay-bagay. marami pa akong nais matutunan, at bukal sa loob ko yan dahil sa totoo lang. Hindi mahirap ang isang bagay lalo pa kung mahal mo ang iyung ginagawa, gaano man ito kahirap para sa iba. Mas masarap tanggapin sa sarili na ang mahirap para sa iba ay sisiw lamang para sayo.

No comments:

Post a Comment