Mula sa mga blankong papel na ito...nakasulat ang buhay ko at buhay na ibinahagi mo.Natuto ako at natuto tayo sa mga Talata,Tula At mga Kabanata na ikaw at ako ang may akda.Tulad mo,nalaman ko na may pagkakahawig ang ating mga kuwento...tema ang kabiguan,tagumpay,pag-ibig,pakikipaglaban at mga kamalian.Sa mga blankong papel na ito...muli nating isulat ang kuwento mo at kuwento ko.